Karamihan sa mga kilalang artista ay mas pinaglalaanan nila ng kanilang pera ang pagbili ng mga mamahaling kagamitan kagaya ng mga bag, sapatos at damit dahil ito rin ay kanilang puhunan sapagkat ito ang nagiging statement pieces nila upang maging presentable sa media. Marami sa mga big celebrities ang mayroong koleksyon ng mga luxuries items na kanilang proud ibahagi sa kanilang mga tagasuporta dahil ito ay bunga ng kanilang success bilang isang artista.
Image source: Instagram/beaalonzo
Ngunit alam niyo ba na ang aktres na si Bea Alonzo ay kinalangan pa maghintay ng halos pitong taon bago siya makabili ng isang luxury bag para sa sarili kahit na kilalang kilala ito sa industriya?
Image source: Instagram/beaalonzo
Image source: Instagram/beaalonzo
Sa edad na labing-apat na taon ay nag-umpisa na sa show business ang aktres at simula noon ay siya na ang naging bread-winner ng pamilya. Ayon kay Bea, noong una ay sapat lang sa kanilang mga gastusin ang kaniyang kinikita at prioridad niya ang pangangailangan ng pamilya bago ang mga luho para sa sarili.
Image source: Instagram/beaalonzo
Ilang taon pa ang lumipas bago niya naramdaman ang pagtaas ng kaniyang sahod at noon ay inuna niya muna ang pagpapagawa ng bahay para sa kaniyang Ina na si Mary Anne Ranollo at pagbibigay ng sariling negosyo nito. Minsan nga ay umaabot sa mahigit kalahati ng kaniyang kinikita ang ibinibigay niya sa kaniyang Ina at masaya siya dahil mapagkakatiwalaan ito sa pera at talaga namang masinop.
Image source: Instagram/beaalonzo
Matapos makitang naibigay na niya ang mga pangangailangan ng pamilya ay doon pa lang nagdesisyon ang aktres na maglaan ng pera sa mga luho na gusto niya para sa sarili kagaya na lamang ng pagbili ng mga pansariling kagamitan. Sa halos pitong taong pagtatrabaho ay doon pa lamang ito nakabili ng kaniyang pinakaunang luxury bag.
Image source: Instagram/beaalonzo
Ayon pa kay Bea halos lahat ng mga ginagamit niyang bag noon ay sponsor lamang mula sa kaniyang mga endorsements at hindi niya ito ikinakahiya dahil magaganda naman ang kalidad ng mga ito. Kaya naman napagtitiisan ng aktres noon na hindi muna bumili ng kaniyang mamahaling bag.
Image source: Instagram/beaalonzo
Image source: Instagram/beaalonzo
Samantala, kahit ganoon pa man ay malaking leksyon sa buhay ang kaniyang natutunan mula sa kaniyang Ina at ito ay ang pag-iimpok at paghahanda ng enough savings upang sa panahon ng bagyo o anumang pagsubok sa buhay ay mayroon silang madudukot. Ngayon ay mas lalong naunawaan ng aktres kung bakit ito mahalaga dahil sa kabila ng pandemiya at halos isang taon na walang trabaho ay kampante si Bea na magiging maginhawa pa rin ang kanilang buhay.
Image source: Instagram/beaalonzo
Maayos kasi ang nagiging takbo ng kanilang mga negosyo at mayroon siyang naitabing sapat na pera para sa kanilang pangaraw-araw na gastusin kaya kahit matagal na panahon itong walang trabaho ay makakaraos sila.
Image source: Instagram/beaalonzo
Talaga namang subok na at napatunayan ng maraming karanasan ang kasabihang “kapag may isinuksok, tiyak na may madudukot.”