Hindi napigilan na maging emosyanal ng komedyanteng si Tuesday Vargas sa kaniyang Instagram posts patungkol sa kaniyang naging buhay noon bago pa man siya nakilala sa industriya. Ito ay mismo niyang ibinahagi sa kaniyang posts kung ano ang mga bagay na sobrang laking ginhawa ngayon sa kaniyang buhay.
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
Kwento ni Tuesday, ultimo bawat piraso ng kaniyang bibilhin noon ay talagang sinusuri at binibilang niyang mabuti kung kakasya ba ang kaniyang pera bago ito tuluyang bilhin. Importante din daw sakaniya noon ang pagdala ng calculator dahil takot siya na baka hindi pasok sa kaniyang limited budget ang kaniyang mga bibilhin.
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
“Dati kapag namimili ako, bawat piraso ng bawang binibilang ko kung kasya ang pera ko. Nagdadala ako ng calculator para makita ko kung pasok sa budget. Ni wala akong membership sa kahit anong shopping club. Nakaka tikim lang ako ng imported na grocery items kapag nagpapa dala ang Mama ko… Batang palengke talaga ako kung saan lahat de takal at lahat pwedeng tingi tingi lang,” kwento ng aktres.
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
Ayon pa kay Tuesday, laki sa palengke ito kaya naman ang mga pa-tingi tingi na piraso ng gulay lamang ang afford niya noon at hindi ang pag-grocery sa mga shopping mart.
Subalit dahil sa sipag at tiyaga ng aktres ay determinado itong umangat sa buhay kaya nagdoble kayod siya sa kaniyang trabaho. Bukod sa pagiging isang komedyante ay rumaraket din si Tuesday sa pamamagitan ng pagnenegosyo ng essential oils at iba pang mga maliliit na sideline.
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
Sa ganitong paraan ay nakayanan niyang magtabi at maka ipon para sa kaniyang pamilya at sa kaniyang future ng kaniyang anak.
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
Kaya naman hindi napigilan na ibahagi nito ni Tuesday dahil sobrang thankful siya kaniyang natamasa ngayon. Alam ni Tuesday na maraming netizens ang makaka-relate sa kaniyang kwento dahil napakahirap ng buhay ngayon.
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
“Pwedeng simple ito para sa iba. Pero kasi po kanina naiiyak ako habang niluload sa cart ang mga bagay… nagawa ko siyang bayaran galing sa pagod at sakripisyo ko nang di ako kinakabahan sa bawat beep ng kahera,” kwento ni Tuesday.
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
“Ang simpleng pag provide sa pamilya ay isang napaka laking source ng pride and joy para sa isang nanay na katulad ko. Salamat universe for the blessings. Wish ko po lahat ng tao biyayaan niyo din. Amen.”
Image courtesy: Instagram/tuesday_v
Nawa’y maka-inspire ang kwento ni Tuesday sa atin lalo na ngayon sa hirap ng buhay. Sipag, tiyaga at pag iipon ang ating kailangan gawin upang maka ahon sa buhay.