Wala nang mas isasaya pa ang isang tao sa tuwing kasama niya ang kanyang pamilya. Gagawin mo ang lahat ng bagay upang makita mo lamang ang kanilang mga ngiti.
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Madami man ang hindi magandang sinasabi ng ibang tao tungkol sayo dahil sa iyong nakaraan ay balewala na lamang ito dahil ang mahalaga alam mo sa iyong sarili na ikaw ay nagbago na at isa ng mapagmahal na tao sa kanyang pamilya.
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Tulad na lamang ni Baron Geisler na madalas na magbahagi ng mga litrato kasama ang kanyang pamilya. Nito lamang nakaraang araw ay makikita natin sa social media account ng aktor na si Baron Geisler ang mga litrato na kung saan kasama niya ang kanyang pamilya.
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Isang masaya at puno ng pagmamahal na Baron ang iyong makikita. Ginawa ito ng aktor sapagkat gusto niya sulitin ang mga oras na kasama niya ang kanyang pamilya sa isang bakasyon sapagkat babalik na sila sa Manila.
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Ang magandang lugar na ito na pinuntahan ng pamilya Geisler ay matatagpuan sa Cebu at ito ay tinatawag na Ravenala Beach Bungalows. Mapapansin din sa litrato na ibinahagi ng aktor ang walang kapantay na saya ng kanyang asawa at mga anak.
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Madami sa mga netizens ang natuwa sa ibinahagi na ito ng aktor. Ang post na ito ay umani ng isang katutak na positibong reaksyon mula sa mga netizens at may kaakibat pang mga komento na kung saan sila ay natutuwa at ipinagdarasal ng mga netizens ang kaligtasan ng pamilya ng aktor.
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Si Baron Frederick Von Geisler o mas kilala sa pangalan na Baron Geisler ay ipinanganak noong Hunyo 5, 1982 sa Bicol. Isa siya sa mga sumikat na batang aktor noong 1994 sa programang “Ang TV”.
Image courtesy: Baron Geisler/Instagram
Marami pang mga programa ang kanyang ginampanan na kung saan matutunghayan ang kanyang kagalingan sa pag-arte. Maliban sa pagiging artista si Baron ay isa din siyang negosyante at resource speaker.