Kilala sa pagganap ng mga “bad boy” at kontrabida roles sa larangan ng show business ang aktor na si Baron Geisler at sa katunayan, tinagurian siyang si Johnny Depp ng Pilipinas.
Image source: Instagram/baron.geisler
Hindi lang sa pelikula at mga palabas kilala ang aktor sa ganoong pag-uugali kundi maging sa totoong buhay ay aminado siyang madalas ay napapasama sa mga away. Ngunit ngayong mayroon ng anak ay kakaibang pagbabago ang nangyari sa aktor dahil biglang nag-iba ang kaniyang pananaw sa buhay at mas lalong pinagtuunan ng pansin ang kaniyang pamilya sa halip na sarili lamang.
Image source: Instagram/baron.geisler
Image source: Instagram/baron.geisler
Ikinasal si Baron sa non-showbiz girlfriend nitong si Jamie Evangelista noong Setyembre taong 2019 at makalipas ang isang taon ay nagkaraoon sila ng anak na babae na si Baby Talitha Cumi
Image source: Instagram/baron.geisler
Image source: Instagram/baron.geisler
Maliban kay Talitha ay aminado si Baron na may dalawa pa siyang anak na babae sa dati niyang naka-relasyon at hindi ito naging problema kay Jamie. Sa katunayan, siya mismo ang nagpursigi kay Baron para ito ay bisitahin at kamustahin.
Image source: Instagram/baron.geisler
Samantala, habang lumilipas ang panahon ay mas nagiging malapit ang aktor sa kaniyang mga anak at kung noon nga ay “easy-go-lucky” siya sa buhay, ngayon ay naglalaan na ito ng budget para sa pangangailangan ng mga bata.
Image source: Instagram/baron.geisler
Ibinenta rin nito ang magarang sasakyan upang masuportahan ang kaniyang negosyo na Barber shop at isang clothing line. Ayon sa aktor, iba na ang kaniyang prioridad sa buhay simula nang maging ama siya sa anak nila ni Jamie at ngayon nga ay sinisikap niya ring maging ama sa dalawa niya pang anak na babae.
Image source: Instagram/baron.geisler
Image source: Instagram/baron.geisler
Sa ngayon ay patuloy pa rin si Baron sa paggawa ng mga kamangha-manghang pelikula at kahit nga nasa kalagitnaan ng pandemiya ay walang tigil ang ginagawa nilang shooting.
Image source: Instagram/baron.geisler
Lubos ring nagpapasalamat ang aktor sa lahat ng taong nakasama niya sa industriya ng show business lalong-lalo na sa mga direktor na naging strikto sa pagtuturo sa kaniya at naging instrumento upang matuklasan niya ang tunay na talento.
Image source: Instagram/baron.geisler
Maganda rin ang naidulot ng taong 2020 kay Baron dahil dito niya mas naunawaan ang halaga ng buhay na kasama ang pamilya at mas natutunan ang pagiging mapagpakumbaba at maunawain sa kapwa. Maliban dito,naging malapit rin siya sa Panginoon at madalas manalangin.