Barbie Imperial, proud na proud na ibahagi ang kanilang sweet moments ng kaniyang boyfriend na si Diego Loyzaga

Kilig na kilig ang mga netizens sa mga larawan na ibinabahagi ng magkasintahang Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa kanilang mga social media accounts. Mas lalo nga silang natuwa nang magbigay ang aktres ng napaka-sweet na appreciation post para sa kaniyang pinaka-mamahal na aktor.


Image source: Instagram/msbarbieimperial


Image source: Instagram/msbarbieimperial

Aminado si Barbie na siya ang mas vocal sa kanilang relationship kaya naman madalas siyang mag-post sa kaniyang Instagram account dahil proud na proud siya sa kaniyang boyfriend.


Image source: Instagram/msbarbieimperial

Kasama nga ng kaniyang sweet message ang ilan sa mga paborito niyang larawan ng aktor at ang isang napaka-gandang tula na nagpapahiwatig kung papaano nabago ni Diego ang kaniyang buhay.


Image source: Instagram/msbarbieimperial

Samantala, nag-umpisa ang kanilang love story sa hindi inaasahang pagkakataon at parehas sila ni Diego na nagulat sa pangyayari.


Image source: Instagram/msbarbieimperial

Noon pa man ay magkakilala na ang dalawa at sa katunayan, naging magkaibigan na sila noong 2018 pa. Madalas din silang mag-bonding sa online game na ‘Call Of Duty’ kasama ang kanilang group of friends kaya naman hindi nila inaasahan na magkakaroon pala sila ng special feelings para sa isa’t isa.


Image source: Instagram/msbarbieimperial

Sa isang panayam naman sa ‘Magandang Buhay’ ay inamin ng aktres na noon pa man ay crush na niya si Diego pero hanggang doon lang ang feelings niya sa kaniya hanggang sa magkasama sila sa isang getaway sa beach ng Pangasinan.


Image source: Instagram/diegoloyzaga

Mismong si Barbie ang nagpaalam sa Mommy ng aktor para payagan ito na sumama sa kanila. Dahil dito ay nabigyan sila ng pagkakataon para mas makilala ang isa’t isa at nagkaroon nga ng heart to heart talk sa beach.


Image source: Instagram/diegoloyzaga

Nasundan pa ang kanilang out of town at doon na nagsimulang mag-level up ang kanilang relationship.

Sa ngayon ay masayang masaya ang aktres dahil si Diego ang kaniyang boyfriend at malaking tulong ito para mas lalo siyang ma-inspire sa buhay. All-out support din sila sa kani-kanilang trabaho at naniniwala na isa ito sa mga susi para mapanatiling matatag ang relasyon na meron sila.


Image source: Instagram/diegoloyzaga

Samantala, bumuhos naman ang magagandang mensahe ng mga netizens at suportado ng mga ito ang relasyon nina Barbie at Diego. Ang ilan nga sa kanila ay kilig na kilig dahil match daw ang ugali ng dalawa at hiling na sana ay sila na ang magkatuluyan hanggang sa huli.


Image source: Instagram/diegoloyzaga

Talaga namang mas nagiging matibay ang isang relasyon kung ang pundasyon nito ay magandang pagkakaibigan tulad nalang ng nangyari kay Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *