Mahalaga ang pagkakaroon ng komportableng gamit sa mga artista na kagaya ni Barbie Forteza lalo na at talaga namang abala ang mga ito sa kanilang taping. May mga pagkakataon na halos ilang araw silang hindi nakaka-uwi ng bahay kapag tuloy-tuloy ang shooting kaya naman halos lahat ng mga pangunahing gamit ay dala-dala nila sa set.
Image source: Instagram/barbaraforteza
Madalas ay palipat-lipat rin sila ng lugar at inaabot pa nga ng madaling araw kaya naman malaking tulong na mayroon silang sariling sasakyan na magagamit. Dahil dito ay naging normal na sa mga artista ang pagkakaroon ng malaking van kung saan ito ay nagsisilbi na rin nilang tahanan habang nagtatrabaho.
Image source: Instagram/barbaraforteza
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Hindi biro ang halaga ng ganitong sasakyan at aminado si Barbie Forteza na ilang luha at eyebags rin ang naipon niya para lang makabili nito, subalit para sa aktres ay mas magiging praktikal kung ibebenta na niya ang kaniyang van dahil hindi na niya gaanong nagagamit ito.
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Sa kaniyang sariling Youtube channel ay ibinahagi ng aktres ang isang vlog kung saan ibinahagi niya ang ang loob at labas ng itsura ng kaniyang kotse bago pa man niya ito ibenta sa iba.
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Ito ay kulay puti na 2018 Toyota Hi-Ace Super Grandia LXV 3.0 at mayroong malawak na espasyo sa loob. Mataas rin ang bubong nito at sa katunayan sa tangad ng aktres na 5’2 ay nakakatayo ito sa loob ng kaniyang sasakyan.
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Mayroon ding komportableng upuan sa loob na maaring maihiga at saktong-sakto lang ito para maging mahimbing ang tulog ng aktres sa byahe.
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Sa likurang bahagi naman ng sasakyan ay mayroon pang malawak na espasyo kung saan inilalagay ni Barbie ang ilan niyang gamit sa set kagaya ng luggage bag na naglalaman ng kaniyang mga damit at make-up.
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Talaga namang malaking tulong sa aktres ang nabili niyang sasakyan ngunit hindi niya na ito nagagamit dahil sa pandemic kaya naman naisipan niyang ibenta nalang upang magamit ng iba at mapakinabangan.
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Halos dalawang taon pa lang itong nagagamit ni Barbie at hiling niya na sana ay mapunta ito sa deserving na tao. Inilagay niya rin ang detalye ng sasakyan sa kaniyang Youtube vlog kasama ng impormasyon kung sino ang dapat kausapin kung sakali mang interesado sa pagbili nito.
Image source: Youtube/Barbie Forteza
Siguradong maswerte ang makakabili ng nasabing van dahil maliban sa maayos at maganda pa ang kalagayan ng sasakyan ay mayroon din itong sentimental value sa aktres.