“Ayokong hindi maka-relate yung viewers” Judy Ann Santos, ibinahagi ang rason kung bakit itinigil niya pansamantala ang kaniyang cooking vlog

Isa si Judy Ann Santos sa may pinaka successful na Youtube channel na ‘Judy Ann’s Kitchen’ na mayroong milyong milyong mga viewers dahil sa kaniyang napakasarap at helpful na mga cooking vlogs na patok na patok sa mga netizens.


Image courtesy: Instagram/TeamJuday



Nagsimula ang kaniyang vlog apat na taon na ang nakakalipas kaya naman marami na ang kaniyang mga naging taga suporta at talagang nakilala na ang kaniyang Youtube channel. Halos buwan buwan nga ay mayroon itong iba’t ibang episodes para sa kaniyang mga viewers.


Image courtesy: Instagram/TeamJuday

Subalit biglaang itinigil ito pansamantala ni Judy Ann simula noong January 2022 na kung saan marami sa kaniyang mga viewers ang nagtataka kung bakit hindi na niya ito itinuloy.


Image courtesy: Instagram/TeamJuday




Kaya naman sa isang episode ng ‘Magandang Buhay’, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit pansamantala siyang tumigil sa paggawa ng kaniyang mga cooking vlogs.


Image courtesy: Instagram/TeamJuday

“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes, especially yung pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala. Ayokong hindi maka-relate yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman,’ pagbabahagi ni Juday.

Natatakot raw itong ituloy ang kaniyang cooking vlogs dahil baka hindi daw makasabay ang kaniyang mga viewers dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga ingredients ngayon.


Image courtesy: Instagram/TeamJuday


Importante para sa aktres na maka-relate ang kaniyang mga tagapanood upang mas tangkilikin nila ito at makatulong siya sa iba. Subalit hindi niya ito magawa ngayon dahil na rin sa hirap ng buhay at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na at karamihan sa kaniyang mga viewers ay below to average income lamang.


Image courtesy: Instagram/TeamJuday

“Ayoko lang na parang masabihan ako na, ‘Luto ka ng luto’, di naman namin magagawa yan,” pagbabahagi niya.


Image courtesy: Instagram/TeamJuday

Nagsimula raw ang cooking vlog na ito bilang kaniyang libangan noon kaya naman hindi niya ito iniisip bilang kaniyang full time work. Kaya naman sa tuwing inspired siya at may extra time ay doon siya nakakaisip na gumawa ng kaniyang vlog.



Image courtesy: Instagram/TeamJuday

Sa ngayon ay pansamantala munang itinigil ni Juday ang paggawa ng mga bagong episodes at nag laylow muna ito sa pag-vlog. Subalit babalik din daw ito kung mayroon na siyang mga panibagong recipe na makaka-relate ang madla.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *