Dumalo ang komedyanteng si Awra Briguela sa UAAP Women’s Volleyball na ginanap sa loob ng Mall of Asia Arena noong june 21, 2022. Masaya at maayos ang kanilang panonood doon subalit hindi nito inaasahan ang isang insidente na talaga namang kaniyang ikinalungkot.
Ibinahagi mismo ni Awra sa kaniyang Twitter account ang kanilang na-experience na pagna nakaw habang sila ay nanonood doon.
Image courtesy: Instagram/awrabriguela
Ayon sa mga tweet ni Awra, nakuhanan sila ng kaniyang kaibigan ng cash at cellphone habang sila ay nagpapapicture sa ilang fans niya doon. Huli na nung napansin nila na ang kanilang mga valuable items ay nasimot na pala ng mga magna nakaw.
Dahil na rin sa sobrang daming tao sa loob ng Moa Arena ay hindi na nila napansin ito sapagkat busy silang nakipag picturan at nakipag meet sa ibang mga fans doon.
Image courtesy: Instagram/awrabriguela
Kaya naman sa tulong ng social media ay nanawagan si Awra na baka mayroon sa mga fans ang nakakuha ng video habang sila ay nagpapapicture para sa ganoon ay mahanap mismo ang kumuha ng kanilang mga gamit.
“Sa lahat po ng may video ko sa moa kanina after game kidnly send me the video na nakawan po kase kasama ko ng phone and cash habang madaming nagpapa picture.” Ito ang tweet ni Awra.
Image courtesy: twitter/awrabriguela
na rin mapigilan ni Awra na maglabas ng kaniyang sama ng loob dahil hindi nito inakala na ang masayang panonood doon ay mauuwi lamang sa ganitong karanasan.
“Grabe talaga kanina yung experience ko sa moa arena nakaka traum@. Ang babast0s na malikot pa kamay. Ayaw magsipag trabaho nang maayos, sobrang nakakagalit hindi nakakaawa. Grabe ang m0dus nila sobrang daming nagpapapicture tapos pag nagkakagulo na, galaw na ang mga kupal.” diin nito sa kaniyang tweet.
Image courtesy: twitter/awrabriguela
Hiningi niya ang tulong ng kaniyang mga fans na naroroon at nagvivideo sa oras ng insidente upang magbakasakali na mahanap kung sino ang mga salarin. Kaya naman mas minabuti na rin ni Awra na ipa-lock na lamang ang cellphone upang hindi na ito magamit o mabenta ng mga kumuha.
Image courtesy: Instagram/awrabriguela
Balak pa nitong magbigay ng paubaya na ibalik ang cellphone kapalit ang cash na kaniyang ibibigay dahil importante daw sakanila ang laman ng cellphone.
Image courtesy: twitter/awrabriguela
“Sa kumuha ng phone pakibalik na lang po kasi hindi niyo rin po talaga yan mapapakinabangan. I will give you cash pa po pag binalik niyo. Yung 5k na nakuha then dodoblehin ko, you can dm me promise hindi ko expose kung sino ka. Sobrang dami lang important files sa phone,” ito ang pahayag niya.