Ating tingnan ang napakagandang beach resort na pagmamay-ari ng pamilya Pacquiao

Hindi masamang mangarap, dahil lahat tayo malayang mangarap ng mga bagay na gusto natin ay magkaroon tayo. Ngunit ang lahat ng mga pangarap natin ay kailangang samahan natin ng sipag at pagpuporsige dahil kung hindi ay parang nangarap lang din tayo sa wala.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube

Isa na rito ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na talaga namang pinatunayan na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit mo ang iyong mga pinapangarap sa buhay.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube

Dahil sa kaniyang pagpuporsige at determinasyon ay naiahon niya sa hirap ang kaniyang pamilya. Kaya naman dahil dito ay kabi-kabila ang mga ari-ariang mayroon siya at talaga namang lasap na lasap niya at ng kaniyang pamilya ang maginhawa at marangyang pamumuhay.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube

Isa na rito ay ang napakagandang pagmamay-ari nilang beach resort na matatagpuan sa Gensan. Ipinasilip ang nasabing resort na minsang umuwi ang pamilya Pacquiao sa Gensan upang dito nila gugulin ang kanilang oras sa kabila ng pandemyang ating nararanasan at upang magsaya at magbonding kasama ang buong pamilya.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube

Mapapanood sa vlog ni Jinkee kung saan ay ipinakita niya nga at ipinasilip sa publiko ang pagmamay-ari nilang beach resort, ngunit ayon kay Jinkee ang pagpapasilip ng nasabing resort ay hindi para magyabang kundi dahil ito ay request ng kaniyang mga tagahanga at mga sumusuporta sa kaniya.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube

Ayon kay Jinkee ang nasabing beach resort ay naipagawa makalipas ang pitong taon na ngayon ay bakasyunan na ng kanilang pamilya.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube

Kaya naman ay inikot niya ang mga manunuod na kung saan ay ipinakita niya sa video ang kanilang masters bedroom ang lugar kung saan niya paboritong magbasa ng aklat at bibliya. Ipinakita niya rin ang villa, gazebo, swimming pool at ang kanilang magarbong hall.


Image courtesy: Jinkee Pacquiao | Youtube

Ipinasilp din niya ang paligid ng nasabing resort na napapaligiran ng samo’t saring magagandang halaman at mga bulaklak na lalong nagpadagdag ng kagandahan sa resort. Ang nasabing resort ay may dalawang villa na para sa pamilya Pacquiao at Jamora.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *