Ating silipin ang napakagandang tahanan ng batikang komedyante at host na si Allan K.

Madami na tayong natunghayan na magagandang tahanan ng mga iniidolo nating artista. Ang karamihan dito ay madalas nakakapulutan natin ng inspirasyon. Madalas sa mga bahay nila ay may kakaibang mga disenyo na talagang ating hinahangaan.


Image courtesy: Allan K | Instagram




Image courtesy: Allan K | Instagram

Maala palasyo ang ganda at laki ng mga bahay nila na tipong nakakahiyang pumasok kung sakaling tayo ay mapagbigyan na mapuntahan ito. Gayunpaman ay bago pa nila makamit ito ay kanila naman itong pinaghirapan at pinagtrabahuan ng walang humpay upang makamit ang pangarap nilang tahanan. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na komedyante na si Allan K.


Image courtesy: Allan K | Instagram


Image courtesy: Allan K | Instagram




Hindi na bago sa ating pandinig ang pangalan na Allan K. Unang pumapasok sa ating isipan sa tuwing naririnig ang pangalan ng artista na ito ay ang kagalingan nito sa pagpapatawa at kamangha- manghang boses sa pagkanta. Maliban dito ay kilala din ang komedyante sa pagiging magaling na host sa ating inaabangan na noontime show na Eat Bulaga.


Image courtesy: Allan K | Instagram

Ang komedyante na si Alan Jovaness Quilantang o mas kilala sa pangalan na Allan K ay ipinanganak noong Disyembre 1, 1958. Sa pagpasok niya sa showbiz noong 1995 ay agad naman siyang nakapasok bilang host ng programang Eat Bulaga at magpahanggang ngayon ay makikita pa din ang komedyante sa programang ito. Maliban sa pagiging host ay mapapanuod din siya sa iba nating mga paboritong pelikula tulad ng Enteng Kabisote.


Image courtesy: Allan K | Instagram

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagkakataon na masilip ang kanyang maganda at eleganteng tahanan. Makikita sa mga litrato na kanyang ibinahagi ang sobrang mga magagandang kagamitan na nakapalibot sa kanyang bahay.



Image courtesy: Allan K | Instagram

Ito ay may modernong disensyo na kahit sino man ay mamangha sa mga ito. Marami ang nagsasabi na tila isang palasyo ang kanyang tahanan sa sobrang ganda.


Image courtesy: Allan K | Instagram


Mapapansin sa mga kagamitan sa tahanan ng komedyante ay ito kulay pilak o kaya purong puti. Simple lamang ngunit malakas ang dating dahil sa magagandang kurba o hugis ng mga ito. Napag-alaman na si Allan K mismo ang nagdisenyo ng loob ng kanyang tahanan dahil ito ay isa sa mga pangarap niya maging mukha ng kanyang bahay at pangarap din pala niya na maging isang interior designer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *