Ating silipin ang bagong renovate na tahanan ni Rufa Mae Quinto

Walang kapantay na saya ang mararamdaman ng isang tao sa oras na magkaroon siya ng kanyang sariling bahay at lupa.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Ganoon din ang pakiramdam ng ating mga hinahangaan na celebrity kung kaya sa tuwing nakakamit nila ang kanilang mga pinapangarap na bahay, propesyon o sasakyan ay dali-dali din nila itong ipinapaalam sa publiko.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Tayo namang mga tagahanga ay ginagawa naman natin silang inspirasyon upang makamit din natin ang pangarap natin sa buhay. Tulad na lamang ng kilalang aktres at komedyante na si Rufa Mae Quinto.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Si Rufa Mae Quinto ay ipinanganak noong Mayo 28, 1978 at una siyang nakilala sa programa noong 1996 sa “That’s Entertainment”.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Matapos niyang gumawa ng pangalan sa programa na iyon ay dumami pa ang mga naging alok sa kanya na siya mismo ang magbibida tulad na lamang sa pelikula na “Gloria Labandera” noong 1997. Tumatak na sa ating mga puso at isipan ang mga ginawang proyekto ng aktres na naghatid sa atin ng isang katerbang kasiyahan.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Nitong 2016 ay nagpakasal ang aktres sa isang financial analyst na si Trevor Magallanes at biniyayaan sila ng isang napakagandang anak na babae. Kasalukuyang ang aktres ay nasa amerika kasama ang kanyang anak at asawa.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Gayunpaman ang aktres ay may ipinapagawang bahay dito sa Pilipinas noong umalis siya at kakatapos lamang nito.

Subalit hindi pa nila magawang matirhan ang bahay na ito dahil hindi pa sila makauwi sa Pilipinas dahil sa sitwasyon na dulot ng pandemya.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Kung kaya ang tanging ginawa ng aktres ay magbahagi ng iilang litrato ng kanyang tahanan sa kanyang social media account. Umani ito ng isang katerbang reaksyon mula sa mga netizens at pagbati sa kanya.


Image courtesy: Rufa Mae Quinto | Instagram

Makikita naman sa mga litrato na ibinahagi ng aktres ang simple at sobrang ganda na pagkakagawa ng kanyang bahay. Kung kaya hindi din niya mapigilan ang sarili na magpasalamat sa lahat ng tagumpay at biyaya na kanyang natatamasa sa mga panahon na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *