Ating alamin ang nakakakilig na Lovestory ni Yasmien Kurdi at ng kanyang asawa na unang nagkita sa isang pampasaherong eroplano

Isa sa mga inaabangan ng bawat tao ay ang kwentong pag-ibig ng ating mga iniidolo. Dahil isa ito sa mga mas kinakikiligan natin sa lahat ng balita tungkol sa kanila. Maliban dito gusto din natin makilala ang napakaswerte na tao na kanilang mapapangasawa at makakasama ng panghabambuhay.

Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Excited din tayo kung ano magiging itsura ng kanilang magiging mga anak. Tulad na lamang ng isa sa mga hinahangaan na aktres sa showbiz at ito ay walang iba kundi si Yasmien Kurdi.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Sino nga ba ang makakalimot sa napakaganda at maamong mukha ng aktres na sa tuwing nakikita natin ay nabibighani tayo. Marami na siyang napatunayan pagdating sa showbiz simula nang sumali siya sa isang talent search na pinamagatang starstruck ay dumami ng dumami na ang mga tao na nahumaling sa kanya. Hindi lamang ito puro ganda kundi mayroon din siyang angking talento pagdating sa pag-arte at pagkanta.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Maliban sa mga talento na ito ay isa din siyang matalinong babae at sa katunayan ay nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Arts in Political Science bilang isang Cum Laude sa Arellano University.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Matatandaan na bumida din siya sa mga paborito nating mga serye at pelikula na kung saan dinagsa ito ng madaming tao. Mag-iisang dekada na din ang lumipas ng siya ay ikasal sa kanyang pinakamamahal na asawa na si Rey Sondevilla Jr.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Sa kanilang pagmamahalan ay biniyayaan sila ng isang napakagandang anak na babae. Ngunit sa loob ng isang dekada marami pa din ang nagugulat na ang aktres ay mayroon ng asawa. Dahil saad ng nakakarami na hindi naman kasi masyado nagpopost ang aktres ng litrato kasama ito.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Dahil sa kuryusidad ng mga tagahanga ni Yasmien kung kaya naglabas ito ng isang Vlog na kung saan ibinahagi niya ang lovestory nila ng kanyang asawa.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Nagsimula umano ang kanilang pagmamahalan sa isang eroplano at ang aktres ay isang pasahero samantala ang kanyang asawa naman ay Cabin Crew pa sa mga panahon na iyon. Ang unang pagkikita nila sa isa’t-isa ay ang pagtulong umano ng kanyang asawa sa paglagay ng luggage ng aktres sa ibabaw ng kanyang inuupuan.

Hindi lamang iisang beses nagtagpo ngunit marami pa hanggang sila ay magdate sa isang resto café at nagtuloy-tuloy hanggang silang dalawa ay naging para sa isa’t isa.


Photo Courtesy: Yasmien Kurdi | Instagram

Kasalukuyang ang asawa ngayon ng aktres ay hindi na lamang isang cabin crew ngunit isa ng ganap na piloto at dito mo masasabi na sadyang mapaglaro ang tadhana at ibibigay talaga ang tao na nakalaan para sayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *