Assunta De Rossi, Ibinahagi ang kaniyang hirap sa pagbubuntis na inabot ng 19 Years na halos mawalan na siya ng pag asa

Hangad ng karamihan sa mga kababaihang na magkaroon ng lifetime partner at maging isang ganap na Ina. Sabi nga nila walang maipapantay sa saya ng pagiging isang ina ngunit hindi lahat ng kababaihan ay nabibigyan ng pagkakataon na magdalantao at magsilang ng isang sanggol. Kagaya na lamang ng aktres na si Assunta de Rossi na matagal nag antay ng milagro bago mabuntis.


Image source: Instagram/assuntaledesma

Sa isang panayam sa kaniya ay ibinahagi ng aktres kung ano ang kaniyang mga pinagdaanan bago niya isilang ang napaka-gandang anghel na si Giulia Fiorentina o mas kilala bilang si “Baby Fiore noong ika-23 ng Oktubre taong 2020.


Image source: Instagram/assuntaledesma


Image source: Instagram/assuntaledesma

Ayon kay Assunta, matagal na nilang gustong magkaroon ng anak ng asawa na si Jules Ledesma at sa katunayan ay nakakaranas na siya ng stress dahil sa tagal ng kanilang panalangin ay hindi pa rin napagbibigyan ang kanilang hinihiling.


Image source: Instagram/assuntaledesma

Noong 2016 nga ay nag-umpisa silang humingi ng tulong sa mga eksperto at sumailalim sa mga tinatawag na “fertility treatment” ngunit hindi ito naging matagumpay at mas lalo lang nanlumo ang aktres.

Kaya naman muli itong bumalik sa kaniyang trabaho upang mabawasan ang lungkot at iniasa sa Panginoon ang pangarap nilang mag-asawa na magkaroon ng sariling anak.


Image source: Instagram/assuntaledesma

Noong nakaraang taon ay naisipan ni Assunta na lumuwas ng bansa upang sumailalim muli sa “fertility treatment” ngunit dahil sa malawakang pandemiya ay hindi sila natuloy ng kaniyang asawa.


Image source: Instagram/assuntaledesma


Image source: Instagram/assuntaledesma

“We were trying for so many years na, parang sabi ko nahihirapan na ako. So many things happened na also tapos with all the stress and kung ano man, we sought fertility treatmenst nung mga 2016. We decided na to go the scientific route, mag in vitro na lang kami. Mutual decision naman yun. Hindi nag succeed yung first time,” pagkwento nito sa isang panayam.


Image source: Instagram/assuntaledesma

Sa halip ay nagtungo ang sila sa isang ekslusibong isla ng Amanpulo upang doon ipagdiwang ang ika-37 taong kaarawan ng aktres. Isinantabi muna nila ang pag-iisip patungkol sa pagkakaroon ng anak at sinulit ang panahon para makapag-relax sila sa mala-paraisong isla kaya naman laking gulat ng aktres nang maudlot ang kaniyang buwanang dalaw.


Image source: Instagram/assuntaledesma

Nagtungo sa kaniyang OB-Gyne si Assunta at matapos ang pagsusuri ay inilahad sa kaniya ang napakagandang balita na siya ay nagdadalantao na. Hindi maitago ang saya ng aktres at agad itong ibinalita sa kanilang pamilya at mga kaibigan.


Image source: Instagram/assuntaledesma

“Pagbalik namin, a week later nagpacheck up ako kasi nga delayed ako. Na-confirm that I was pregnant. Talagang nagulat kaming mag-asawa. Inannounce ko sa family ko, pati sila nagulat din naman. It was a pleasant surprise. It was unplanned but not naman unwanted kasi it’s been a long time din talaga. Ano bang nagawa ko at nangyari ito. But I am so thankful,” pagbabahagi nito.


Image source: Instagram/assuntaledesma

Medyo maselan ang pagbubuntis ni Assunta kaya naman ganoon nalang ang pag-iingat niya sa kaniyang sarili at sa sanggol na kaniya dinadala. Hindi naman matatawaran ang ipinapakitang suporta sa kaniya ng asawang si Jules.


Image source: Instagram/assuntaledesma


Image source: Instagram/assuntaledesma

Sa ngayon ay full-time ang aktres sa pag-aalaga ng kanilang anak at kahit mahirap ay mas pinili nitong mag-breastfeeding upang mabigyan ng mas masustansiyang pagkain si Baby Fiore.


Image source: Instagram/assuntaledesma


Image source: Instagram/assuntaledesma

Tunay ngang ang biyaya ng Panginoon ay hindi natin tiyak kung kailan ipagkakaloob sa atin. Ang mahalaga ay maging handa ang ating puso sa pagtanggap nito at patuloy siyang pasalamatan sa mga pangyayari na hinahayaan niya sa buhay natin dahil dito tayo mas titibay at matutuno ng leksyon sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *