Nag-umpisa sa pagiging magkaibangan ang ngayo’y magandang relasyon ng magkasintahan na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Hindi kagaya ng ilang artista, mas pinili ng dalawa na sarilinin kung anuman ang namamagitan sa kanila para na rin ma-protektahan ang relasyon na sa kanila ay mahalaga.
Image source: Instagram/arjoatayde
Image source: Instagram/mainedcm
Matatandaan nga na maraming netizens ang noon ay na-intriga sa estado ng kanilang relasyon matapos makita ang palitan nila ng nakaka-kilig na mensahe sa social media. Kaya naman, para bigyang linaw ay inamin na rin ng dalawa ang kanilang pagiging magkasintahan at lubos nga itong ikinatuwa ng kanilang mga fans.
Image source: Instagram/arjoatayde
Image source: Instagram/mainedcm
Mahigit dalawang taon na rin ang relasyon nina Arjo at Maine ngunit madalang nila itong pinag-uusapan sa social media dahil mas pinipili nila na maging private ang kanilang relationship. Hangga’t maari ay pinapanatili nilang pribado ang kanilang kwento at iniiba ang usapan kapag nababanggit ito.
Image source: Instagram/mainedcm
Ngunit sa vlog ng aktor at kaibigan ni Arjo na si Enchong Dee ay hindi na rin siya nakaligtas at sinagot na rin ang ilang nakaka-intrigang tanong.
Image source: Youtube/ Enchong Dee
“What were the things that changed when you feel in love? tanong ni Enchong sa kaniyang youtube vlog.
“Number one, maturity. Goals. I’m more goal-oriented… I think when you’re in love, I guess you should be inspired, number one. And be a better person from there. Not try to be. Just be who you are, just be good,” proud na sagot ni Arjo.
Image source: Youtube/Enchong Dee
Ibinahagi nga ni Arjo na malaki ang kaniyang ipinagbago simula nang makilala niya si Maine. Isa na dito ang pagiging goal-oriented at naging mas matured din siya sa paggawa ng mga desisyon sa buhay.
Image source: Instagram/arjoatayde
Napansin ito ng kaniyang mga matalik na kaibigan kagaya ni Enchong at sa katunayan ay nasabi nitong ibang Arjo na ang nakikita nila ngayon. Kaya naman sa isang episode ng vlog ng aktor na si Enchong Dee, isang heart to heart talk ang kanilang pinagusapan tungkol kay Arjo.
Image source: Instagram/mainedcm
Image source: Instagram/arjoatayde
Samantala, kinilig ang mga netizens nang mabanggit niya kung gaano kahalaga sa kaniya si Maine at malaki daw ang naging impluwensiya ng aktres sa kung sino siya ngayon bilang isang indibidwal.
Image source: Instagram/arjoatayde
Image source: Instagram/arjoatayde
Sa paglipas nga ng panahon ay mas lalong naging matibay ang kanilang relasyon at nagkaroon din ng pagkakataon na makasama at makilala ang kani-kanilang pamilya. Kapansin-pansin ang maluwag na pagtanggap ng mga magulang nina Arjo at Maine sa kanilang relasyon kaya naman hindi maiwasan ng ilan na magtanong patungkol sa posibilidad na mauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan.
Image source: Instagram/arjoatayde
Image source: Instagram/mainedcm
Agad sinagot ni Arjo ang komento at sinabing napag-uusapan na nila ng aktres ang patungkol sa bagay na ito ngunit ayaw nilang magmadali at sa ngayon ay patuloy nilang susuportahan ang isa’t isa sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.