Abot-langit ang pasasalamat ng sikat na singer at aktres na si Angeline Quinto dahil sa wakas ay ibinigay na rin sa kaniya ang matagal niyang hiling na magkaroon ng sariling pamilya. Kamakailan lang ay isinilang niya ang napaka-cute na baby boy at binigyan nila ito ng pangalang Baby Sylvio.
Bilang first time mom si Angeline ay talaga namang nangangapa pa lamang ito sa kaniyang journey bilang new mom. Very happy naman ito kahit mahaba at mahirap ang kaniyang pinagdaanan habang pinagbubuntis si Baby Sylvio.
“I’m very happy to start my own family, excited na kaming isama kayo sa aming journey.”, pagbabahagi ng aktres.
Isinilang ang bata noong April 27,2022 at masaya si Angeline dahil naging ligtas silang mag-ina at walang naging komplikasyon sa kaniyang pagbubuntis. All-out support din sa kaniya ang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.
“Ang dami kong gustong ishare sa inyo lalo na ngayon dahil ang daming nagbago sa everyday routine ko”, kwento pa ni Angge.
Samantala, sa kaniyang bagong social media update ay inamin ni Angeline na ngayon ay medyo nasa adjustment stage pa sila bilang mga first time parents. Inamin niyang hindi madali ang pag-aalaga ng sanggol at totoo na darating ang mga oras na halos wala ka talagang tulog sa buong magdamag.
Ganoon pa man, super hands-on pa rin siya kay Baby Sylvio at talagang gusto na siya mismo ang nag-aasikaso sa anak magmula sa pagpapaligo, pagpapalit ng diapers hanggang sa pagpapatulog. Iba daw kasi kapag tutok na tutok ka sa iyong anak dahil maipapamalas mo yung love and care sa iyong baby.
Kahit nga nakakapagod ang araw-araw niyang ginagawa ay naramdaman ni Angeline ang madalas niyang marinig sa ibang Mommies na talaga namang nakakawala ng pagod ang mga bata lalo na kung lagi mo silang tititigan sa mukha.
Sa ngayon ay mas naunawaan ni Angge kung papaano maging isang ina at mas nadagdagan pa ang kahulugan ng Mother’s Day para sa kaniya. Samantala, lubos naman siyang hinahangaan ng kaniyang mga fans lalo na sa tuwing kinakantahan niya si Baby Sylvio.