Angeline Quinto, Ipinakita ang kaniyang Dream House na ipinatayo para na rin sa kaniyang Mama Bob

Makalipas ang halos isang taon ay napagbigyan rin ni Angeline Quinto ang hiling ng mga netizens na gumawa siya ng isang house tour vlog. Hindi ito ordinaryong paglilibot sa loob ng bahay dahil nagkwento rin ang singer patungkol sa mga memories niya kasama ang kaniyang Mama Bob.


Image source: Instagram/loveangelinequinto


Image source: Instagram/loveangelinequinto

Tama lamang ang laki ng bahay ni Angeline at hindi ito gaanong magarbo dahil na rin ipinagawa niya ito noong nagkaroon siya ng sapat na pera na kaniyang naipon sa pagiging singer.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Pagpasok ay mapapansin agad ang mga halaman na nakapalibot sa paligid ng kaniyang bahay at isang biutin na naka-ukit sa pintuan ng kaniyang main door na kaniyang ipinasadya bilang paalala kung saan nagsimula ang lahat ng tagumpay niya sa buhay.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Humiling kasi siya noon sa mga bituin at agad naman itong sinagot sa pamamagitan ng sunod-sunod niyang pagkapanalo sa mga singing contest at pagkakaroon ng maraming proyekto sa industriya.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Samantala, isang malawak na sala naman ang sasalubong sa mga bisita pagpasok sa dream house ni Angeline Quinto. Mayroon ditong malaking upuan kung saan madalas mamalagi ang kaniyang Mama Bob para mag-relax at manood ng TV.


Image source: Youtube/loveangelinequinto


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Sa likurang bahagi nito ay makikita ang kanilang mini garden at swimming pool area na mas pinaganda ng mga halamang nakatanim malapit dito. Sa sala rin naka-display ang branded piano na regalo ng kaniyang mentor.


Image source: Youtube/loveangelinequinto


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Ang dining area naman ang isa sa mga paboritong lugar ni Angeline dahil madalas siyang magluto at dito sila nagkukulitan ng kaniyang ina.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Makikita dito ang dining set na regalo sa kaniya ni Vice Ganda at ang magandang kitchen area na ipinagawa pa mismo ni Dr. Vicki Belo bilang regalo niya kay Angeline matapos malaman na nagpapagawa ito ng bahay.


Image source: Youtube/loveangelinequinto


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Kapansin-pansin rin ang isang malaking rebulto ng Poong Nazareno na naka-display sa gilid ng hagdan patungo sa kanilang second floor. Espesyal ito kay Angeline dahil isa siyang deboto at gawa ito ng kilalang artist kaya naman iniingatan niya ito ng husto.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Ang wall decoration naman katabi nito ay isang makulay na painting at ayon sa kaniya, regalo ito ni Boy Abunda nang minsan siyang mag-guest sa “The Buzz”.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Ipinasilip rin ni Angeline ang kwarto ng kaniyang Mama Bob at sinabing dito siya madalas matulog kahit na mayroon siyang sariling kwarto sa second floor lalo na kapag nalulungkot siya at namimiss ang ina. Mayroon din silang “prayer room” na ipinagawa niya para sa kaniyang namayapang ina.


Image source: Youtube/loveangelinequinto


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Samantala, agaw-pansin rin ang music room ng singer na pininturahan nila ng green. Dito naka-display ang lahat ng awards na natanggap at mga music albums na kaniyang nagawa. Nandito din ang ilang souvenirs mula sa kaniyang mga fans at kaibigan.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Sa gilid na bahagi ng kwarto ay naka-display ang green at silver gown na isinuot niya para sa grand finals ng Star Power noong February 20, 2011.


Image source: Youtube/loveangelinequinto

Talaga namang isang makinang na bituin si Angeline Quinto dahil hindi niya lang nakamit ang mga pangarap sa buhay kundi nagsisilbi pang inspirasyon sa mga kabataan na kahit gaano kataas ang pangarap ay tiyak na maabot ito ng taong nagsusumikap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *