Angel Locsin at Neil Arce, ipinakita ang loob ng kanilang two-storey elegant house

Bago pa man ikasal sina Angel Locsin at Neil Arce, matagal ng pinag iisipan ng aktres kung saan sila titira sapagkat hindi pa sila handa noon na magpatayo ng kanilang sariling bahay.
Kaya naman noong matapos ang kanilang pinarenovate na old house ay masayang ibinahagi ito ni Angel sa kaniyang viewers.

Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Ayon kay Angel, noong una ay nahirapan daw silang makapili ng kanilang magiging munting bahay dahil wala daw pasok sa kanilang taste lalo na at simpleng bahay lamang ang gusto ni Angel. Kaya noong inoffer sa aktres ang isang old house na galing sa pamilya ni Neil, sobrang saya ni Angel dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng kanilang sariling tahanan.




Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Old house ang bahay na ito ay medyo outdated na ang disenyo kaya naman may iilang mga parte na pina-renovate si Angel. Hands on nga ito pagdating sa pag aayos sa kanilang bahay dahil ito ang kanilang first ever house na mag asawa.


Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

“Medyo old house siya, tapos nirenovate lang namin ng kaunti, si Angel ang halos lahat ang nag design,” kwento ni Angel.





May kalakihan ang bahay nila subalit simple lamang ito at walang gaanong magarbong disenyo. Ang ilang old furnitures dito ay talagang pinarestore pa ng Aktres upang hindi daw masayang ang mga ito.


Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Mula sa sala, kitchen, dining at hanggang sa kanilang mga maid’s quarters ay mayroong touch up ni Angel dahil gusto niya itong mapaganda. Sa bawat sulok ng bahay ay mayroon ding mga art pieces na mismong si Angel ang nag-arrange.


Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Maging ang kanilang laundry area na siya mismo ang nagkuskos ng tiles upang mapaputi ang old tiles dahil nanghihinayang siyang palitan ito. Very hands on nga ito pagdating sa storage and organization ng kanilang bahay.




Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Mayroon din itong mini pool sa labas at lanai area para sa tuwing pagod siya galing trabaho ay dito sila magrerelax.


Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Sa ikalawang palapag naman ng kanilang bahay ay ipinakita ni Angel ang kaniyang bedroom at shoe collection. Ayon sa aktres, wala raw itong artista closet para sa lahat ng kaniyang mga pang artista na mga outfit. Mayroon lamang itong simple walk in closet na kaniya din pinarenovate.


Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Ang isang parte na talagang pinaghandaan ni Angel ang kanilang master’s bathroom dahil gusto niyang relaxing ito. Mayroon itong own sauna sa loob dahil mahilig daw mag sauna si Neil sa tuwing gusto niyang magrelax.


Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel

Mapapansin sa kanilang bahay ang white walls at mga old wood floor tiles at wood furniture. Ganito lamang ka-simple ang gusto ni Angel dahil ang nagbuo sa kanilang tahanan ay ang mga art pieces na kaniyang inilagay na nakapagbigay ng elegant accent sa bahay.


Image courtesy: Youtube/ The Angel and Neil Channel



Napakaganda talaga ng bahay ng aktres at sobrang humble lamang nito habang ipinapakita ang bawat sulok ng bahay. Malalaman mo na talagang siya mismo ang hands-on na nag ayos nito dahil ultimo ang mga maliliit na detalye ay kaniyang alam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *