Angel Locsin at Neil Arce, ibinahagi ang kanilang kauna-unahang Spain vacation bilang mag asawa

Para sa pinaka unang out of the country vacation ng aktres na si Angel Locsin at kaniyang asawa na si Neil Arce, masayang ipinakita ng aktres ang kanilang Spain trip sa kaniyang Instagram account. Ito kasi ang kauna-unahang bansa na kanilang napuntahan at napasyalan ngayon bilang mag-asawa.


Image courtesy: Instagram/therealangellocsin

Sa ilang mga Instagram posts ni Angel Locsin, talaga namang breath taking ang mga views at mga royal palaces na kanilang pinuntahan sa Madrid, Spain.





Image courtesy: Instagram/therealangellocsin
Image courtesy: Instagram/neil_arce

Bukod doon ay talagang nag-enjoy ang dalawa dahil sa napakasarap na mga pagkain sa Madrid tulad ng Paella at ibang spain cuisine.


Image courtesy: Instagram/therealangellocsin


src=”http://buhaymom.com/wp-content/uploads/2022/07/Screen-Shot-2022-07-13-at-10.05.49-PM.jpg” alt=”” width=”569″ height=”685″ />
Image courtesy: Instagram/therealangellocsin

Mala-honeymoon ang kanilang vacation trip sa Spain kung saan makikita na sobrang sweet ng dalawa sa kanilang mga Instagram posts. Very blooming din ang aktres sa kaniyang mga pictures at mas gumanda ito dahil bumagay ang kaniyang new hairstyle cut with curtain bangs.


Image courtesy: Instagram/therealangellocsin



Deserve na deserve nga naman ni Angel ang bakasyon na ito dahil labis labis ang kaniyang pagbigay serbisyo noong nakaraang taon sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman feeling thankful at blessed pa din si Angel dahil isa siya sa mga maswerte na makapag-travel sa panahon ngayon.


Image courtesy: Instagram/therealangellocsin

Isa rin sa mga dahilan kung bakit ngayon lamang sila nakapagbakasyon bilang mag-asawa ay dahil naging busy ang dalawa sa pagpapa-renovate ng kanilang bahay. Hands on kasi ang aktres sa kaniyang bahay kaya talagang naging hectic ang kanilang schedule at ngayon lamang nakapag enjoy ng mini honeymoon ang dalawa.


Image courtesy: Instagram/therealangellocsin

“Sa mundo ng walang kasiguraduhan, nahanap kita. Cheers to more adventures,” ito ang nakakakilig na caption ni Angel sa kaniyang post.


Image courtesy: Instagram/therealangellocsin


Ilan din sa kanilang mga napuntahan sa  Madrid Spain ay ang sikat na Royal Palace at ang kilalang Aqueduct of Segovia kung saan marami din ang turistang pumupunta doon. Ang ganda nga namang ng kanilang mga lugar na napuntahan dahil ang iba dito ay talagang ancient at historical ang mga ito.


Image courtesy: Instagram/therealangellocsin

Dahil sa muling pagbukas ng turismo sa Spain, halos karamihan sa mga artista ngayon ay Spain at Italy ang kanilang pinapasyalan dahil isa ito sa mga bansa na madaling makapunta dahil na rin sa kanilang new normal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *