Marami na tayong inaabangan at sinusubaybayan na mga child star sa mundo ng showbusiness dahil sa hindi mapantayan nilang galing sa pag-arte at maging ang kanilang kacute-an.
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Minsan, ang iba sa kanila ay mas piniling itigil ang kanilang nasimulang pangalan sa industriya ng showbiz upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at ang iba naman ay mas minabuti pa ring ipagpatuloy ang nasimulang career habang hinahati ang kanilang oras para sa kanilang pag-aaral.
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Kaya naman ay hindi natin maiwasang mapahanga kapag may mga pagkakataong nakikita natin sila sa telebisyon na talaga namang malaki na ang kanilang ipinagbago.
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Isa na rito si Alyanna Angeles na kamakailan lamang ay ginulat ang publiko ng masaksihan ng mga netizens at ng kaniyang mga tagahanga ang malaki nitong pagbabago mula sa pagiging cute at napakatalented na child star ngayon ay isa ng marikit at napakagandang binibini.
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Ang dating child star ay pamangkin ni Angel Locsin kaya naman ay talagang manghang-mangha sa kaniya ang publiko dahil sa mala-anghel nitong mukha at kakaibang hubog ng pangangatawan. Ayon sa kanila ay kung nanaisin ni Alyanna na pasukin ang mundo ng beauty queen ay hindi malabong masungkit niya ito.
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Taong 2011 ng pasukin niya ang mundo ng showbiz na kung saan ay marami na siyang ginampanang iba’t-ibang role. Ginampanan niya ang karakter ni Andrea “Andi” H. Dela Vega ang Philippine adaptation ng Mexican series na pinamagatang “Maria La Del Barrio”.
Photo courtesy: Alyanna Angeles | Instagram
Lumabas narin siya sa “Ang Probinsiyano” na kung saan ay ginampanan niya ang kaniyang karakter bilang ang batang si Rosario Galang at gumanap rin siya bilang batang version ng Chinita Princess Kim Chiu sa drama series na pinamagatang “Ikaw Lamang” at iba’t ibang karakter sa palabas na Maalaala Mo Kaya at nabigyan din ng pagkakataon na maging supporting roles sa Wansapanataym. Si Alyanna Angeles ay ipinanganak noong Nobyembre 23, 2003 sa Manila at tanging nag-iisang anak.