Usong uso ngayon sa mga bigtime celebrities at personalities ang mag-parenovate ng kanilang property na kung saan ang interior design ang talagang pinaghahandaan ng mga ito. Sa isang tawag lamang sa kanilang mga kilalang contractors ay talaga namang kayang kaya na nilang magparenovate ng mala-5 star hotel na mga kwarto dahil na rin sa galing ng mga interior designer at architecture ngayon.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Tulad na lamang ng kilalang aktres na si Rhian Ramos na humingi ng tulong sa kanyang kaibigan na si Maggie Wilson na mayroon ng interior design services upang ipa-renovate ang kaniyang bedroom.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Ang malaking transformation na naganap sa kwarto ng aktres ay mapapanood sa youtube channel ng ACASA Living. Dito mo makikita na ang dating kwarto ni Rhian Ramos ay tila kwarto ng isang college student na ang mattress ay nasa lapag lamang at wala pa masyadong laman ito.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Naibahagi din ng aktres na inabutan siya ng halos 6 na buwan upang hanapin ang gusto niyang frame nang kanyang kama ngunit bigo siya. Laking pasalamat ni Rhian dahil napanood niya ang isang vlog ni Maggie Wilson na kung saan nirenovate niya ang kwarto ng kanyang Mommy at doon nakita niya ang gusto niyang disenyo ng kama.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Dahil dito nag decide na din ang dalawa na magkaroon ng makeover sa buong kwarto ng aktres na talaga ikakagulat mo dahil sa ganda ng kinalabasan nito.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Medyo nahirapan ni Maggie sa pagdisenyo sa kadahilanan na rental lamang ang lugar ni Rhian at hindi pwede na magkaroon ng masyadong permanent changes. Ngunit dahil sa galing ni Maggie at ng kanyang team ay nagawan nila ito ng paraan upang mapaganda at maka-save ng space sa kaniyang bedroom.
Mapapanood sa video na pininturahan nila ang kwarto ng aktres at nilagyan nila ng contact paper ang aparador upang maging bagay ito sa kabuuang disenyo.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Maliban dito ay bumili din sila ng matching office desk at chair dahil gagamitin ni Rhian ang kwartong ito para na rin sa kaniyang trabaho.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Nilagyan din nila ng custom rug at malalaking unan dahil mahilig umano si Rhian na umupo sa lapag. Ang kaniyang mga curtain drapes ang nagbigay ng magandang accent sa kwarto dahil mas umaliwalas at tila lumaki ang kaniyang lugar.
Pagkatapos ay naglagay sila ng mga naggagandahang artwork na isininabit sa taas ng higaan ng aktres.
Image courtesy: Youtube/ACASA living by Maggie Wilson
Sobrang thankful at happy si Rhian sa naging outcome ng kaniyang newly renovated bedroom kaya naman ito ay naka feature sa kanilang vlog.