Halos hindi makapaniwala ang aktres na si Andrea Brillantes sa mga natanggap na regalo para sa kaniyang 18th birthday celebration sapagkat saksakan ng dami nito. Sa kaniyang Youtube channel ay ibinahagi nga ng dalaga ang ilan sa mga mamahaling gamit na ibinigay ng kaniyang mga malalapit na kaibigan, fans at brand endorsement family.
Image source: Instagram/blythe
Makikita sa video na napapalibutan ang aktres ng mga regalo at hindi biro ang tatak ng mga ito tulad nalang ng Givenchy, Gucci at Louis Vuitton. Kaya naman, bago magsimula sa pagbubukas ng mga regalo ay lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng nagpaabot ng mga ito.
Image source: Youtube/Andrea B.
Una niyang ipinakita ang Sony vlogging camera na mula kay Dra.Vicky Belo at hindi maiwasan ni Andrea na kiligin dahil gustong-gusto niya ang ganitong uri ng camera para maging maganda ang quality ng kaniyang mga vlogs.
Image source: Youtube/Andrea B.
Image source: Youtube/Andrea B.
Sunod namang ipinakita ng aktres ang ilang collection niya ng mga designer bags at inamin nito na ngayon pa lang siya magkakaroon ng ganito kamahal na mga gamit. Ilan lang sa mga natanggap niya ay Louis Vuitton handbag at Balenciaga bag.
Image source: Youtube/Andrea B.
Nadagdagan pa ang kaniyang mga collection dahil nagpadala din ang vlogger na si Ivana Alawi ng regalo at ito ay ang napaka-cute na Gucci bag. Masayang-masaya nga si Andrea dahil naalala siya ng kaniyang idolo at nagbigay pa ito ng regalo.
Image source: Youtube/Andrea B.
Samantala, iba’t ibang designer items naman ang kaniyang nakuha mula sa birthday shopping surprise na ibinigay sa kaniya ni Ms. Glenda, owner ng Brillant Skin Essentials. Nagshopping sila sa isang mall at nakapag-uwi ito ng mga regalo na nagkakahalaga ng mahigit sa 360,000 pesos!
Image source: Youtube/Andrea B.
Ilan sa kaniyang mga naiuwi ang Gucci belt, Channel bag at ang napaka-cute na Louis Vuitton hair clips. Hindi rin magpapahuli ang kaniyang Ate Kayla at nagpa-customized ito ng mga chibi dolls na base sa Romeo and Juliet Halloween Costume nila ng kasintahang si Seth noong nakaraang taon. Kasama din nito ang mga merch galing sa paborito niyang KPop girl group na Black Pink.
Image source: Youtube/Andrea B.
Mayroon ding natanggap si Andrea na iba’t ibang appliances mula sa kaniyang Abenson family at talaga namang magagamit ito ng aktres dahil mahilig siya sa mga pagkain. Ilan lang sa mga ito ang pop-corn popper, ice-cream maker, stand mixer at cone maker.
Image source: Youtube/Andrea B.
Samantala, abot-langit ang saya ni Andrea dahil tinupad ni Mommy Dimples Romana ang hiling niya na magkaroon ng isang red mini refrigerator. Hindi biro ang brand name nito kaya talaga namang kinilig ang aktres nang makita ito ng personal.
Image source: Youtube/Andrea B.
Sa huli ay nilinaw ni Andrea sa mga netizens na wala siyang ibang intensyon sa ginawang Birthday gift vlog kundi ang pasalamatan ang lahat ng tao na nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at magagandang mensahe sa social media.
Image source: Youtube/Andrea B.
Talaga namang napaka-swerte ni Andrea at deserve niya ang mga biyayang natanggap sa kaniyang kaarawan dahil isa siyang mabuting tao at kaya naman maraming nagmamahal sa kaniya.