Si Isko Moreno ay kilala bilang isang hearthrob at batikang aktor noong 90’s at ngayon naman ay patuloy na gumagawa ng pangalan sa larangan ng public service. Dahil sa kaniyan kagwapuhan ay hindi mapagkakaila na namana ng kaniyang mga anak ang kaniyang napakagandang lahi sapagkat napakapogi rin ng mga ito katulad na lamang ng kaniyang anak na si Joaquin Domagoso.
Image source: Instagram/jdomagoso
Sa katunayan, hinahangaan nga ng publiko ang si Joaquin Domagoso sapagkat parang pinagbiyak na bunga sila ni Yorme. Pangatlo sa Joaquin sa limang magkakapatid at mas natatangi sa kanilang lahat dahil siya lang ang nagpakita ng interes na pumasok sa mundo ng show business kagaya ng kaniyang ama.
Image source: Instagram/jdomagoso
Image source: Instagram/jdomagoso
Like father like son nga sina Mayor Isko at Joaquin dahil maliban sa pagkakaroon ng magandang mukha ay pareho rin silang nabiyayaan ng angking karisma pagdating sa mga tao.
Image source: Instagram/jdomagoso
Sa katunayan, madalas mapasali ang binata sa mga pageant sa kanilang paaralan at minsan naman ay siya ang nagiging representative ng kanilang section. Itinanghal nga siyang “Mr. Teen SGEN” noon habang nag-aaral ng Senior High sa Southville International School and Colleges.
Image source: Instagram/jdomagoso
Maliban sa pagiging pogi ay ipinakita rin ni Joaquin na kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at paggawa ng pangalan sa industriya ng show business. Sa tulong nga ni Daddie Wowie Roxas, ang dating manager ng kaniyang ama ay nagkaroon siya ng mga projects at unti-unting nakita ng publiko ang angkin niyang galing sa harapan ng camera.
Image source: Instagram/jdomagoso
Ilan nga sa mga naging show ng 17-year old na binata ay ang performance nila sa ASAP kasama si Mavy Legaspi. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na mapasabak sa drama nang mabigyan ng role sa isang episode ng “Maynila” na pinamagatang “Unwanted Son”. Maliban dito ay aktibo rin si Joaquin sa modeling at sa pamamagitan nito ay mas naipapakita niya sa publiko ang ilan pa niyang mga talento.
Image source: Instagram/jdomagoso
All-out support nga si Mayor Isko at asawa niyang si Ms.Diana sa anumang gustong gawin ni Joaquin at wala silang ibang hangad kundi ang kasiyahan ng anak.
Image source: Instagram/jdomagoso
Samantala, ipinapakita naman ng binata na hindi niya bibiguin ang kaniyang mga magulang at mas lalo ngang na-inspire na pagbutihin ang kaniyang pag-aaral at magkaroon ng mas magandang grado.
Image source: Instagram/jdomagoso
Image source: Instagram/jdomagoso
Wala ngang duda na napaka-pogi ni Joaquin at nasa dugo na nila ang pagkakaroon ng magandang lahi. Tiyak rin na malayo ang kaniyang mararating bilang isang aktor tulad ng kaniyang ama at mas marami pang magagawa para makatulong sa kapwa.