Ama ni Heart Evangelista, malaki ang panghihinayang sa hindi niya pag-attend noon sa kasal nila ni Heart at Chiz Escudero

Naging mahirap ang sitwasyon ng aktres na si Heart Evangelista magmula ng nalaman ng publiko ang kaniyang relasyon kay Chiz Escudero noon. Nakaranas ito ng kaliwa’t kanang batikos sa mgaetizens at kahit nga ang relasyon niya sa kaniyang mga magulang ay naging kumplikado din noon.


Image source: Instagram/iamhearte

Sa kabila nito ay patuloy na sinunod ng aktres ang nilalaman ng kaniyang puso at nagpakasal nga kay Chiz noong taong 2015.


Image source: Instagram/iamhearte

Naging masaya ang celebrasyon ng kanilang kasal sa Balesin Island ngunit kulang ito dahil wala doon ang kaniyang Daddy sa kadahilanan na hindi accepted ng kaniyang pamilya ang kanilang pag-iibigan.


Image source: Instagram/iamhearte

Samantala, makalipas ang halos limang taong pagsasama bilang mag-asawa ay nasabi ni Heart na masaya at kuntento siya sa piling ni Chiz Escudero. Kahit na medyo busy si Chiz sa kaniyang tungkulin sa Sorsogon, naiintindihan ito ng aktres at masaya siya kahit ganito ang kanilang set-up sa ngayon.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Sa katunayan, kapag mayroong bakanteng oras ay siya na mismo ang bumibisita kay Chiz lalo na at naaaliw rin siyang mamasyal sa lugar. Kamakailan nga ay muli siyang natuwa sa pagbisita niya sa Sorsogon dahil nakita niya doon ang kaniyang Ama na matagal na niyang hindi nakakasama.


Image source: Instagram/iamhearte

Nalaman ni Heart na halos dalawang buwan na palang nandoon si Daddy Reynaldo dahil abala siya sa pagpapatayo ng kaniyang bahay.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Mas pinili nito ang probinsiya ng Sorsogon dahil walang gaanong kaso dito ng pandemya at mababait ang mga tao doon. Nagustuhan niya rin ang preskong lugar at sariwang pagkain lalo na ang mga seafoods dahil mas healthy ito sa kaniyang kalusugan.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Sa ginawang Youtube vlog ng aktres ay mapapansin na mukhang naging maayos na ang relasyon nina Chiz Escudero at Daddyy Reynaldo sapagkat tila magka-vibes na ang dalawa sa kanilang mga hilig. Kaya naman, sa unang pagkakataon ay itinanong mismo ng aktres at tinukso ang kaniyang Ama kung bakit hindi ito pumunta noon sa kanilang kasalan.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

“Bakit hindi ka pumunta sa wedding?” tanong ni Heart sa kaniyang Ama.

“Sayang! naging bati na sana kami noon pa,” sagot naman ni Daddy Reynaldo.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Naging honest naman si Daddy Reynaldo at sinabing isa ito sa mga pinagsisisihan niya sa kaniyang buhay, ang hindi pag-attend sa kasalan ng kaniyang bunsong anak.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Kung sana hindi niya raw pina-iral ang tampo ay noon pa sila naging close ni Chiz at naging maayos ang kanilang relasyon.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Kahit na nagkaroon ng conflict ang kanilang relasyon noon ay masaya si Heart na nagkakasundo ang kaniyang Ama at asawa ngayon sa maliliit na mga bagay. Talaga namang totoo ang kasabihang “time heals everything” kahit gaano pa man kalala ang isang sitwasyon kagaya na lamang nina Daddy Reynaldo at Chiz Escudero na ngayon ay maganda na ang relasyon sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *