Alwyn Uytingco, umaasa pa rin na magkakabalikan sila ng kaniyang asawa na si Jennica Garcia

Marami ang nagulat at nalungkot tungkol sa balitang hiwalayan ng mag-asawang sina Alwyn Uytingco at dating aktres na si Jennica Garcia matapos ang mahigit anim na taong pagmamahalan. Ang balitang ito ay kinumpirma mismo ng aktres na si Jennica sa isang eksklusibong panayam na ginawa niya sa Kapuso Network noong nakaraang buwan at wala siyang ibang nabanggit na dahilan patungkol sa kanilang hiwalayan.

Photo Courtesy: Alwyn Uytingco | Instagram

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong taong 2014 at nagkaroon ng dalawang anak na sina Athena Mori at Alexis Severina. Maayos ang kanilang naging pagsasama at sa katunayan ay marami ang humahanga sa simple nilang pamumuhay bilang isang pamilya.


Photo Courtesy: Jennica Garcia-Uytingco | Instagram

Madalas din ibahagi noon ng aktres kung gaano niya kamahal ang kaniyang asawa at kung gaano ito ka-thankful bilang Ama ng kaniyang mga anak. Kaya naman, marami rin ang nalungkot at nagtataka sa hindi inaasahang balita ng kanilang hiwalayan.


Photo Courtesy: Jennica Garcia-Uytingco | Instagram

Samantala, nilinaw ni Jennica sa social media na walang nangyaring third party o financial problem na naging dahilan para ilayo niya ang mga anak sa kaniyang asawa na si Alwyn. Wala siyang negatibong sinabi patungkol sa dating partner at sa katunayan, hanggang ngayon ay hinahangaan niya ang aktor sa pagiging mabuting Ama nito sa kaniyang mga anak.


Photo Courtesy: Jennica Garcia-Uytingco | Instagram

Ang tanging nabanggit ng aktres sa kaniyang interview ay ang kagustuhan niyang bumalik sa industriya ng show business bilang isang full-time artist. Ito ay matapos ang halos walong taong pamamahinga sa kaniyang career dahil mas pinili niya ang pagiging fulltime mom sa kaniyang dalawang anak.


Photo Courtesy: Jennica Garcia-Uytingco | Instagram

Kasabay nito, pumirma na rin si Jennica ng kontrata sa Kapuso network at agad sasabak sa sunod-sunod na taping bilang preparasyon sa kaniyang gagawing soap opera.


Photo Courtesy: Jennica Garcia-Uytingco | Instagram

Samantala, sa kabila ng mga negatibong nangyari sa kanilang relasyon ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Alwyn na balang araw ay magkakabalikan sila ng aktres at sa katunayan ay madalas siyang mag-post ng sweet messages sa kaniyang Instagram account na nagpapakita kung gaano niya kamahal ang kaniyang pamilya.


Photo Courtesy: Jennica Garcia-Uytingco | Instagram

Sa isang post ay nabanggit ng dating aktor na handa siyang gawin ang lahat para lang maibalik ang masaya nilang pagsasama at handa siyang sumugal muli sa tadhana.


Photo Courtesy: Jennica Garcia-Uytingco | Instagram

Aminado si Alwyn na hindi magiging madali ang lahat pero handa siyang magtiiis at patuloy siyang nananalangin sa pagdating ng panahon na makakasama niyang muli sa iisang bahay ang kaniyang mag-ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *