Masayang masaya ang aktres na si Alice Dixson na ibahagi sa kaniyang Instagram post patungkol sa pagbabahagi niya ng kanilang bagong miyembro ng kaniyang munting pamilya na matagal na niyang hinihiling sa Panginoon.
Image source: Instagram/alicedixson
Hindi nga maitago ang saya na nararamdaman ng aktres ngayon dahil sa wakas ay ipinagkaloob na sa kaniya ang biyayang hinihiling niya taon-taon sa kaniyang kaarawan na akala niya’y hindi na siya bibiyayaan pa.
Image source: Instagram/alicedixson
Ayon sa aktres mahigit 10 years na rin ang kaniyang birthday wish na magkaroon ng anak at iba’t ibang paraan na nga ang ginawa niya upang ito ay mangyari. Kaya naman laking pasasalamat niya dahil sa kabila ng mga hindi magandang nangyayari sa paligid ay alam niya na ngayon ang perfect timing ng Panginoon para matanggap niya ang kanilang “miracle baby”.
Image source: Instagram/alicedixson
“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle… For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles.”
“So with great patience, belief and trust – I am happy to annoucne my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived.”
Image source: Instagram/alicedixson
Aminado ang aktres na naranasan niya noon ang pakiramdam na parang ayaw na niyang magka-anak at tinanggap nalang na baka hindi para sa kaniya ang pagiging isang Ina. Nag-aalala rin kasi siya sa magiging kalagayan ng bata sa kaniyang sinapupunan kung siya ay mabubuntis man. Naisip niya rin na hindi biro ang pagpapalaki ng anak sa panahon ngayon lalo na at mayroong malawakang banta sa ating kalusugan.
Image source: Instagram/alicedixson
Sa kabila nito ay ibinahagi rin ng aktres na noon ay nabuntis siya ngunit hindi ito naging matagumpay kaya naman nagdesisyon sila ng kaniyang partner na subukan ang “surrogacy”.
Image source: Instagram/alicedixson
Matapos ang mahabang proseso na kailangan nilang pagdaanan ay naging matagumpay ang lahat at para bang napawi ang mga pagod at hirap na kanilang tiniis sa mahabang panahon.
Image source: Instagram/alicedixson
Sa tulong na rin ng kaniyang napakaraming proyekto sa industriya ay nakapag-ipon ito ng sapat na halaga ng pera para paglaanan talaga ang pagkakaroon ng anak kaya naman worth it lahat ng kaniyang hirap at pagod sa pagta-trabaho.
Image source: Instagram/alicedixson
Samantala, kahit wala pa siyang inilalabas na iba pang detalye patungkol sa kanilang baby ay talaga namang napakaraming pagbati na ang natanggap niya mula sa mga kaibigan at fans.