Alfred Vargas, sobrang inlove pa rin sa kaniyang young looking wife na si Yasmine Vargas dahil sobrang maalaga nito

Magkaiba man ang mundo na kanilang pinanggalingan ay pinagtagpo pa rin ng tadhana sina Alfred Vargas at ang kaniyang napakagandang asawa na si Yasmine Espiritu. Ngayon ay mahigit isang dekada na silang nagsasama bilang mag-asawa kasama ang kanilang tatlong mga anak.


Image source: Instagram/alfredvargasofficial

Ayon sa kwento ng dalawa, pareho silang nakaramdam ng “love at first sight” nang magkita sa isang road show ni Alfred Vargas sa Sta. Cruz, Laguna noong March 16, 2008 kung saan nandoon din si Yasmine bilang audience. Isang Fine Arts Undergraduate si Yasmine at matagal na nanirahan sa Milan, Italy kaya naman tila tadhana talaga ang kanilang love story sapagkat malayo ang kanilang naging mundo.


Image source: Instagram/alfredvargasofficial

“Bakit hanggang ngayon crush na crush pa rin kita? Bakit hanggang ngayon kinikilig pa rin ako tuwing kasama kita? After 12 years together in love na in love pa rin ako sayo. Mas tumotodo pa nga each day that passes…”


Image source: Instagram/alfredvargasofficial

Samantala, si Yasmine naman ay umamin na noon pa man na idol na niya si Alfred at sa katunayan ay sinasabi niya sa kaniyang lola noon sa Milan, Italy kapag nanonood sila ng TV na ito ang gusto niyang pakasalan balang araw. Hindi nga ito nahihiyang ipakita ang poster ng aktor na nakasabit sa kaniyang kwarto noon dahil fangirl talaga siya ng aktor.


Image source: Instagram/yasmine_vargas2307

“On this fateful day twelve years ago, I met the woman of my dreams. Batang bata pa tayo nun. We only had high hopes and youth and didn’t know what life will bring… Love at first sight to love that lasts forever… Kahit marami tayong pinagdadaanan, ang swerte talaga natin. Ang bait ni God. Thank you, Lord. It feels weird lang and surreal to celebrate twelve meaningful years with you this way… Kahit anong mangyari, kahit magunaw pa ang mundo, handa ko itong harapin basta ikaw ang kasama ko. Mahal na mahal kita Amore ko.”


Image source: Instagram/alfredvargasofficial

Sa kanilang pagsasama ay biniyayaan sila ng dalawang anak na babae na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra at isang bunsong anak na lalaki na si Alfredo Cristiano.


Image source: Instagram/alfredvargasofficial

Samantala, sa tagal ng kanilang pagsasama at sa dami ng kanilang mga pinagdaanan ay patuloy pa ring nagmamahalan ang dalawa. Ayon kay Alfred, likas na maalaga si Yasmine at hands-on ito sa kaniya at sa kanilang mga anak. Isa pa sa kaniyang ikinakatuwa ay ang pagiging malinis nito sa bahay at matulungin sa kapwa


Image source: Instagram/yasmine_vargas2307

Sino nga naman ang hindi maiinlove sa isang Yasmine Vargas na napakaganda na tila ba parang isang dalaga sapagkat na-maintain niya ang kaniyang fresh face at hubog ng katawan kahit may tatlong anak na ito.


Image source: Instagram/alfredvargasofficial

Tunay ngang wagas ang pagmamahalan ng dalawa at kitang-kita ito sa kanilang pagsasama bilang isang pamilya. Isa rin ay dahil sa walang sawang suporta ni Alfred sa kaniyang asawa at pagiging isang mabuti Ama sa kaniyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *