Alex Gonzaga, ipinakita ang first ever condo home nila ni Mikee Morado

Matapos ang ilang buwan na paghihintay ay sa wakas at natapos na ang newly renovated condo nina Alex Gonzaga na kanilang magiging pinaka unang bahay ng asawang si Mikee Morada. Ibinahagi nga ito mismo ni Alex sa kaniyang Youtube channel ang kanilang condo unit tour.





Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga

Ayon kay Alex, isa raw itong three bedroom condo unit na matagal na niyang nabili pa noon. Bago pa man nila ito maging bahay ni Mikee ay dati na niya itong condominium subalit dahil may pagka old style na ang disenyo nito ay naisipan nilang i-renovate upang maging modern ang look.
Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga


Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga




Pagpasok pa lamang sa kanilang condo unit ay bubungad na ang wooden dining set at ang kanilang mini living room. White and wood ang theme ng kaniyang interior decor kaya naman ingat na ingat ang aktres na madumihan ang kaniyang mga furnitures dahil halos puti ang kulay ng mga ito.


Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga

Samantala, ang isang magandang parte ng kaniyang condo ay ang kaniyang kitchen area na may sariling kitchen door para sa tuwing may bisita sila ay may privacy ang dining at kitchen.


Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga

Very clean and minimalist nga ang lahat ng kaniyang mga decor and furnitures na nagbigay ng elegant and classy look sa buong condo unit.



Ayon pa kay Alex, galing lamang sa Pinterest ang kaniyang inspiration subalit dahil magaling ang kaniyang architect ay napagtagpi tagpi niya ang lahat at nakuha ang gusto ni Alex.


Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga

Ang isang importanteng parte ng kaniyang condo ay ang walk in closet ni Alex dahil ito ang investment niya sa kaniyang trabaho. Kaya naman siniguro niya na magiging maganda ang kaniyang walk in closet kung saan may wood and white interior design din ito.


Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga


Pagdating naman sa kanilang Master’s bedroom ay all glass ang windows nito na may overlooking view ng buong city. Ayon kay Alex, halos lahat ng gamit nila sa kaniyang Master’s bedroom ay ibinigay at iniregalo sakanila ng mga kilala kumpanya kaya naman nakatipid ito dito.


Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga

All white din ang theme ng kanilang Master’s bathroom na mayroong black accents para mas maging sophisticated ang look nito. Mayroon din separate glass doors ang toilet at ang shower room maging ang kaniyang bathtub area.
Image courtesy: Youtube/Alex Gonzaga

Sa napakagandang investment property na ito ay talaga namang lubos ang pasasalamat ni Alex dahil sa kaniyang mga tagasuporta. Hindi raw ito mabubuo ng hindi dahil sa kaniyang mga fans at followers na siyang nakapagbigay ng mas marangyang buhay sakanila.




Congrats Alex and Mikee on your first home!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *