Alex Gonzaga, ibinunyag ang regalo sa kaniyang ina at sa kaniyang kapatid nitong nagdaang Mother’s Day

Isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ng isang ina ay ang magkaroon at magsilang ng mga magbibigay sa kaniya at sa buong pamilya ng kasiyahan at katuwaan. Alam naman nating hindi madali ang responsibilidad na ginagampanan ng ating mga ina sa loob ng tahanan.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Sila ang may pinakamahirap at nakakapagod na trabaho sa lahat. Ngunit ganun pa man ay hindi nila alintana ang hirap at sakit na kanilang nararamdaman maibigay lang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya at makita ang matamis na mga ngiti sa labi ng mga ito ay subrang saya na ang kaniyang nararamdaman.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Bilang sukli sa paghihirap na ginagawa ng ating mga ina ay hindi naman tayo nagpapahuli na surpresahin sila at handugan ng munting regalo na makakapagbigay ng ngiti sa kanilang mga puso sa isang espesyal na araw at ito ay ang Mother’s Day.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Nito lamang nagdaang Mother’s Day ay may kaniya-kaniyang pakulo ang bawat isa, hindi lang mga anak kundi pati narin ang mga haligi ng tahanan upang maiparating, maiparamdam at maipakita sa ating mga ina kung gaano sila kaespesyal sa ating buhay.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Isa na rito ang sikat at kilalang vlogger na si Alex Gonzaga na kung saan ay kaniyang ibinahagi ang inihandang regalo para sa kaniyang ina na si Mommy Pinty at sa ate nitong si Toni Gonzaga.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Inamin ni Alex na tanging simpleng regalo lamang ang kaniyang inihanda para sa kaniyang Mommy Pint at ate Toni kasi ayon sa kaniya ay hindi naman sila after sa mga material na bagay o regalo.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Kaya naman inihayag ni Alex na dahil malapit na siyang mag taping para sa kaniyang bagong proyekto na naging dahilan upang hindi siya makalabas ng bahay.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Kaya naman noong inilunsad na siya ang bagong Shopee Princess, dito isiniwalat ni Alex na ang nais lamang ng kaniyang Mommy Pinty ay magkaroon ng isang cellphone at tablet stand.

At para naman sa kaniyang Ate Toni ay nagpadala siya ng mga pagkain para sa pamilya nito upang pagsaluhan nila sa espesyal na araw ng mga Ina. Aminado rin siya na hindi niya nabibisita ang kaniyang ate Toni at pamangkin nitong si Seve gawa ng lockdown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *