Aiko Melendez, kabog at young looking pa din hanggang ngayon dahil sa kaniyang fitness goals

Looking good at looking young ang aktres na si Aiko Melendez sa kaniyang mga ibinahaging pictures sa Instagram account kahit na may ka-edaran na ito. Agad ngang napansin ng mga netizens ang kakaibang pagbabago sa kaniyang katawan pati na rin ang magandang awra niya sa harap ng camera. Kahit na mga kaibigan niya sa show business ay namangha rin sa blooming actress.




Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Samantala, hindi naman akalain ni Aiko na magiging trending sa social media ang ilan sa kaniyang mga after work-out photos na talaga namang nakakuha ng atensyon ng marami.


Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Ayon sa aktres, nagsimula ang kaniyang fitness journey noong magkaroon ng sunod-sunod na lockdown noon.




Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Para hindi masayang ang oras habang nasa bahay ay nagdesisyon siyang gamitin ito para sa pa-eehersisyo upang ma-achieve ang kaniyang fitness goals.


Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez


Maliban dito ay sinabayan niya rin ito ng healthy diet at sa katunayan ay nakipag-partnership pa siya sa isang food business na nagtitinda ng mga pagkaing vegetarian dahil sakto rin ito para sa kaniyang ginagawang keto diet.


Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Dagdag pa ni Aiko, mayroon din siyang mga product sponsors na talaga namang nakatulong sa kaniyang weight loss journey kaya mas bumilis ang kaniyang pag-slim down. Naging parte na rin ng kaniyang daily routine ang pag-inom ng cacao drink na nakapagpabilis ng kaniyang metabolism.


Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Hindi rin nakakalimutang pumunta ng aktres sa beauty clinic para mapanatiling maganda at makinis ang kaniyang kutis. Kaya naman kahit na 45 years old na ay parang dalaga pa rin itong tingnan dahil achieve na achieve niya ang kaniyang mestiza look. ‘


Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Sa katunayan, marami ang nagsasabi na mukha lang silang magkapatid ng kaniyang anak na babae at kahit nga no-make up ay maganda pa rin ang kaniyang mukha.


Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Samantala, dahil naman sa magagandang mensahe na natanggap sa social media ay nagpasalamat ang aktres sa pamamagitan ng isang Instagram post.


Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Inamin niya rin na hindi naging madali ang kaniyang fitness journey at noong una ay ramdam niya ang bigat sa katawan dahil naninibago pa ito sa kaniyang exercise routine. Ngunit sa huli ay nagbigay siya ng payo sa mga netizens na kagaya niyang naghahangad na maibalik ang slim figure.



Image courtesy: Instagram/Aiko Melendez

Ayon nga kay Aiko, “It’s never too late”, at kahit na ilang taon kana, lahat ng gusto natin ay kayang ma-achieve basta hindi tayo susuko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *