Ai ai Delas Alas, ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa kaniyang asawa na nakabili ng mamahaling sasakyan

Ilang dekada na ring nasa industriya ng show business ang komedyante at aktres na si Ai-Ai delas Alas at sa loob nga ng mahabang panahon ay marami na rin siyang pinagdaanan at natutunan sa buhay.


Image source: Instagram/msaiaidelasalas

Isa na rito ang pagiging masinop at tamang paggamit ng pera na talaga namang pinaghirapan niya. Ang magandang pag-uugali nga na ito ay siya ring nagustuhan niya sa asawang si Gerald Sibayan kaya naman sa kabila ng 29-taong agwat ng kanilang edad ay patuloy na nagiging maganda ang takbo ng kanilang relasyon.


Image source: Instagram/msaiaidelasalas

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong taong 2017 at nangakong magtutulungan na mapasaya ang isa’t isa habang-buhay kahit na magkalayo ang kanilang edad.


Image source: Instagram/msaiaidelasalas

Kaugnay nito, kamakailan lamang ay proud na proud ang aktres nang ibahagi niya ang ilang larawan ng asawa sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang katabi ni Gerald ang isang Mercedes Benz na kotse.


Image source: Instagram/msaiaidelasalas

“Flex ko lang ang asawa kong masipag at determinado sa buhay. Nakakatuwa tong tao na to pag sinabi niya mangyayare talaga nagugulat na lang ako…” pagbabahagi ni Ai-ai sa kaniyang Instagram account.


Image source: Instagram/gerald_sibayan

Ayon kay Ai-Ai, matagal na siyang kinukulit ni Gerald na bumili ng isang magarang sasakyan ngunit hindi siya pumayag dahil wala silang nakalaang ipon para dito. Ngunit mapilit si Gerald at sinabing sa pamamagitan ng kaniyang sipag at “law of attraction” ay makakamit rin niya ang hinahangad.


Image source: Instagram/msaiaidelasalas

Kaya naman nang muling magpaalam si Gerald na bumili ng sasakyan ay ipinakita nito kay Ai-Ai ang kaniyang savings account kung saan hindi na tumutol pa ang aktres at sinuportahan na rin nito ang nais na regalo ng asawa para sa sarili.


Image source: Instagram/gerald_sibayan

Nakamit nitong lahat ni Gerlad mula ng mag-umpisa itong sumubok ng isang “franchise business” noong taong 2019 at kahit nga nagkaroon ng pandemiya ay hindi sumuko si Gerald at sa halip ay pinagbuti pa lalo ang kaniyang trabaho.


Image source: Instagram/gerald_sibayan

Madalas ay abala ito sa paggawa ng “business presentations” at pagdalo sa online meeting kasama ang kanilang mga partners sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi biro ang ganitong trabaho dahil oras ang kalaban mo dito.


Image source: Instagram/msaiaidelasalas

Sa katunayan, napapansin ng aktres na minsan ay wala ng tulog ang kaniyang asawa masiguro lamang na nagawa niya ang dapat gawin para sa kanilang negosyo. Kayod kalabaw nga itong si Gerald kaya naman hindi na nakakapagtaka na maabot niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Tunay ngang walang pangarap na mahirap sa taong nagsusumikap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *