84 years old na Lolo, araw araw na kusang naglilinis ng parke sa loob ng 5 taon kahit walang kapalit na bayad

Mayroon talagang mga taong lubos na maalaga sa ating kapaligiran at maaalalahanin sa kanilang kapwa kahit walang kapalit na kabayaran. Katuld na lamang ng isang 84 years old na lolo na ito na araw-araw maaagang gumigising upang linisan ang kanilang park sa kaniyang kinalakihang lungsod.


Image source: freemalaysiatoday.com

Siya ay nakilala bilang si Mr. Lee Kim Siew, 84-taong gulang at ayon sa viral post tungkol sakaniya ay isang retiradong empleyado si Mr. Lee. Sa ngayon ay wala siyang ibang pinagkakaabalahan kung hindi ang palagiang paglilinis sa parke na malapit sa kaniyang bahay na matatagpuan sa Puchong, Selangor, Malysia.


Image source: freemalaysiatoday.com


Image source: freemalaysiatoday.com

Nagdesisyon siyang gawin ito matapos madismaya nang makita ang maraming basura na nakakalat sa lugar na iniwan ng mga namamasyal doon. Upang maging maganda ang paligid, naging dedikasyon na ni Mr. Lee ang paggising sa umaga at paglinis sa parke na ito.


Image source: freemalaysiatoday.com

“When I first came here, I was shocked to find rubbish strewn everywhere, it was so smelly. (‘Nung una akong namasyal dito ay nagulat ako sa mga kalat na itinatapon kung saan-saan).”, pahayag nito sa isang panayam.

Noong malakas pa ang pangangatawan ay halos anim na beses sa loob ng isang linggo ang ginagawa niyang paglilinis sa park na ito. Kahit hindi siya binabayaran sa kaniyang ginagawa ay masaya ito sa tuwing nakikita niya na malinis ang kapaligiran at maaliwalas para sa mga batang mamamasyal doon.


Image source: freemalaysiatoday.com

Sa ngayon ay apat na beses nalang kung siya ay bumisita sa lugar lalo na at ramdam niya na rin ang panghihina ng katawan na dala ng katandaan.

Ilan lamang sa kaniyang nakokolektang kalat ay ang mga plastic bottles at wrapper ng iba’t-ibang pagkain. Mayroon ding pagkakataon na namumulot ito ng mga tuyong dahon at sangga at siya na rin mismo ang bumibili ng malalaking plastic na lalagyan ng basura.


Image source: freemalaysiatoday.com

Maliban dito ay umabot na rin sa mahigit 67,000 na libro ang kaniyang naibigay bilang donasyon sa kanilang lokal na pamahalaan maging sa mga karatig na lugar. Layunin ni Mr. Lee na magkaroon ng malawak na pagkaunawa ang bawat mamamayan sa kanilang lungsod na ang tamang pag-uugali ay higit pa kaysa anumang kurso na maaari nilang makuha sa kolehiyo.


Image source: freemalaysiatoday.com

Ang kaniyang pagbibigay ng alaga sa kanilang lungsod ay siyang bagay na kaniyang ikinagagalak na gawin tuwing umaga sapagkat alam niyang mapapasaya niya ang kaniyang mga kababayan na mamamasyal doon.


Image source: freemalaysiatoday.com

“I like to see Malaysians of all races, Chinese, Malays and Indians, especially little children enjoying the park. I dont’ know how much longer I can do this as I am old, as long as I can I’d like to continue,” pagbabahagi ni Mr. Lee.

Sadya ngang hinangaan ng karamihan ang retiradong matanda at naging inspirasyon para sa mga bata na magbigay sikap sa ating bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *