2,000 pesos na puhunan na napalago ng Isang Nanay, Ngayon ay kumikita na ng halos 20,000 kada araw

Ang mga lalaki ang tinaguriang haligi ng tahanan at madalas sila rin ang naghahanap-buhay para sa pamilya. Ganoon pa man, pinatunayan ng mga kababaihan na sila ay mayroon ding kakayanan na makagawa ng paraan upang makatulong sa mga gastusin ng mag-anak. Isa na nga dito ang nanay na naging viral sa social media dahil sa kaniyang nakakamanghang kwento.


Image source: Facebook/Karen Davila

Siya ay nakilala bilang si Mayette Corcuera at mayroon siyang apat na anak. Sa hirap ng buhay ngayon ay batid niyang hindi ganoon kadaling kumita ng pera ngunit hindi siya tumigil sa paggawa at paghahanap ng paraan upang mayroong maiuwing pagkain sa mga anak. Mahilig siyang magbenta ng kung anu-ano kagaya ng gulay, isda at iba pang pagkain.


Image source: Facebook/Karen Davila

Madalas siyang makitang nagtitinda sa labas ng paaralan at minsan ay sa simbahan. Maayos naman ang takbo ng kaniyang negosyo ngunit nang magkaroon ng pandemiya ay naapektuhan ang kaniyang pinagkakakitaan kaya naman, naglakas loob siyang manghiram ng 2,000 pesos na puhunan sa Bombay na nagpapautang ng 5-6.


Image source: Facebook/Karen Davila


Image source: Facebook/Karen Davila

Ginamit ni Mayette ang pera para palaguin ang kaniyang munting negosyo at nakabili rin ito ng bisikleta para mas mapadali ang kaniyang pagbebenta. Hindi siya nakuntento sa pagtatrabaho sa umaga at maging sa gabi ay abala pa rin sa paghahanap-buhay at nagtitinda ng balut. Araw-araw ay ganito ang kaniyang naging gawain at di nito alintana ang pagod sa buong magdamag.


Image source: Facebook/Karen Davila

Sa ngayon ay masayang ibinahagi ni Mayette ang magandang bunga ng kaniyang paghihirap at ang 2,000 pesos na puhanan, ngayon ay kumikita na ng 20,000 pesos kada araw!


Image source: Facebook/Karen Davila

Nagkaroon siya ng sariling sari-sari store maliban sa iba pang negosyo at nakapagbayad rin sa kaniyang pinagkakautangan. Maliban pa dito ay napagtapos niya ang lahat ng anak sa kolehiyo. Nakapagbigay rin siya ng libreng pagkain at face mask sa ilan nating kababayan ngayon panahon ng krisis. Sadya ngang kahanga-hanga ang wonder-mom na si Mayette kaya naman lubos siyang hinangaan ng mga netizens.


Image source: Facebook/Karen Davila

“Magtiyaga lang po tayo sa hirap at ginhawa. Wag mahiyang magtinda kahit saan, walang masama roon,” payo ni Mayette sa kapwa nanay maging sa mga tao na naghahanap ng mapagkakakitaan.

Ika nga nila, walang madaling trabaho , lahat ng bagay ay kailangang pag-aralan at pagsumikapan upang ang tagumpay sa huli ay makamtan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *